Sinalubong ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit o MRT sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.
Ala-5:30 kanina nang limitahan ang biyahe ng MRT mula Taft Avenue hanggang Shaw at pabalik.
Dahil dito, pinababa ang mga nag-aabang na pasahero mula North Avenue hanggang Ortigas Station dahil nakitang ga-buhok na bitak sa riles sa bahagi ng Santolan Northbound.
Tumagal ng isang oras ang nasabing aberya ngunit naibalik din naman sa normal ang operasyon nito.
By Jaymark Dagala