Muli na namang nagkaaberya ang Metro Rail Transit o MRT Line 3 kaninang umaga.
Naperwisyo ang maraming pasahero nang magpatupad ng isang oras na provisional operation ang pamunuan ng tren dahil sa problema sa sistema nito.
Mula ala-6:00 ng umaga ay papunta at pabalik lamang North Avenue hanggang Shaw Boulevard Stations ang biyahe ng tren.
Habang pasado alas-7:00 ng umaga naman nang maging full operational ang train system.
By Rianne Briones