Tatlong beses nagka – aberya ang byahe ng MRT Line 3 o Metro Railway Transit dahil sa technical problem ngayong araw.
Kaninang alas – 12:48, pinababa ang mga pasahero ng tren sa GMA Kamuning station – northbound.
Alas – 8:01 naman ng umaga nang magkaberya muli ang isang tren sa Ortigas station – northbound.
Samantala, dakong alas – 6:27 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa southbound lane ng Kamuning station.
Umabot ng category 3 ang status ng mga naturang aberya, na nangangahulugang inalis ang tren sa linya ng walang kapalit.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT line 3 bunsod ng sunod – sunod na aberya.