Nabunyag na naging pito (7) sa halip na isa ang maintenance contractor ng Metro Rail Transit (MRT) sa ilalim ng pamumuno ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, isa sa mga tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay, ang 7 maintenance contractors ng MRT ay nasa ilalim ng iisang kumpanya, ang APT Global ni Marlo dela Cruz na may kontratang 52 million kada buwan.
Sinabi ni Quicho na ang mga kinatawan ng 7 maintenance contractors ay nasa loob ng MRT Control Center at kapag nagkakaroon ng aberya ay puwedeng magturuan at magsisihan ang mga ito.
Sinasabing si Dela Cruz ay isa sa mga fund raiser at campaigner ng Liberal Party noong 2010 elections.
Dahil dito, sinabi ni Quicho na dapat ipaliwanag ni Abaya kung bakit nagbibigay sila ng kontrata sa mga malapit sa Liberal Party.
By Len Aguirre | Allan Francisco