Umarangkada na muli ang partial operations ng MRT-3 dakong 9:45AM.
Ito’y biyahe mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations (northbound at southbound).
UPDATE: As of 9:45AM, partial operation ng MRT-3, patuloy na; ito’y mula sa North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station (both bounds) | via @dotrmrt3 https://t.co/PBwkGaZS7m
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 6, 2019
Patuloy naman ang ginagawang pagkukumpuni sa naputol na overhead catenary line sa bahagi ng Guadalupe Station (northbound) upang maibalik sa normal ang biyahe ng buong linya.
Target ng pamunuan ng MRT na maibalik kahit ang provisional service muna mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations dakong 12NN habang ang buong linya ng operasyon hanggang Taft Station mamayang 5PM.
UPDATE: Target ng pamunuan ng MRT na maibalik ang provisional service mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations dakong 12NN; habang ang buong linya ng operasyon hanggang Taft Station mamayang 5PM https://t.co/AwXefESMne
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 6, 2019
Suspendido ang buong biyahe ng Metro Rail Transit (MRT), Biyernes ng umaga.
Ito, ayon sa pamunuan ng MRT, ay dahil sa naputol na overhead catenary line na dinadaluyan ng suplay ng kuryente sa bahagi ng Guadalupe Station (northbound) dakong 6:17AM.
Magdudulot ito ng kakulangan ng power supply sa bahagi naman ng Shaw Boulevard at Santolan stations, dahilan para limitahan ang biyahe ng MRT mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard Station, ngunit dakong 6:40AM ay tuluyan nang sinuspinde ang biyahe ng buong linya.
ADVISORY:
Operations of the MRT-3 was suspended at 6:42AM today due to a cable of the Overhead Catenary System (OCS) being cut at Guadalupe Station (NB), which caused insufficient power supply from Shaw Boulevard to Santolan. pic.twitter.com/XJhBCvFYiR
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) September 5, 2019
Kasalukuyan ang ginagawang pagkumpuni sa naturang kable upang maipagpatuloy ang operasyon ng MRT.
Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang MRT kaugnay sa naging dahilan ng aberya oras na mabalik na sa normal ang kanilang operasyon.
Samantala, nagpalabas na ng mga karagdagang bus ang MRT para maghatid sa mga MRT passengers na naabala ng naturang insidente.
Lubos din ang paghingi ng pasensya ng pamunuan sa nangyaring aberya.
Please refresh page for updates.