Dumating na sa Port of Manila ang Metro Rail Transit (MRT) train prototype na nagmula sa China.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation and Communications (DOTC), kahapon lamang ito dumating sa bansa at inaasahang maisasailalim sa pagsusuri sa mga susunod na araw.
Umaabot sa $1.8 million ang ginastos dito ng pamahalaan.
Pero paglilinaw ng DOTC, prototype pa lang ito at hindi pa maaaring idagdag sa kakaunting units ng MRT na gumagana ngayon.
Samantala, magtitiis pa ng hanggang mahigit isang buwan ang mga pasahero ng LRT Line 1 dahil sa hindi pa rin nagagawang mga beep cards.
Sa ngayon kasi ay paper tickets pa lang ang ibinibigay ng LRT management kaya obligado ang lahat na pumila tuwing sasakay ng train.
By Mariboy Ysibido