Hindi naitago ni Reigning Ms. Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang kasiyahan nang magbalik ito sa bansang Thailand.
Ito’y makaraang pasinayaan ni Gray ang katatapos pa lamang na koronasyon para sa magiging pambato ng Thailand sa 2019 Miss Universe Pageant.
Isa si Gray sa mga umupong inampalan o judge sa nasabing patimpalak at aminado siyang nasabik ito na makilala ang bagong pambato ng Thailand.
Binalikan din ni Gray ang kaniyang masasayang mga ala-ala noong nasa kumpetisyon pa siya bilang isa sa mga kandidata.
Magugunitang sa Thailand kinoronahan si Gray bilang Miss Universe noong isang taon