ISUSULONG ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang modernisasyon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) para mapataas ang kita ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtugon sa last-mile delivery requirements ng MSMEs gamit ang e-commerce platforms.
Dagdag pa ng presidential bet ng UniTeam na ang binabalak niyang modernisasyon sa nasabing government-owned and controlled corporation (GOCC) postal service provider ay magbibigay daan upang lumawak at mapabuti ang serbisyo nito sa publiko.
“We are in the process of studying various options for modernizing the PHLPost. We intend to make PHLPost an ideal delivery partner for e-commerce platforms by increasing its capability and capacity to service its current customer base as well as MSMEs shifting to an online business model,” sabi ni Marcos.
Ayon pa kay Marcos, kung matutuloy ang kanilang inisyatibo ay malaki ang magiging dagdag na kita nito para sa pamahalaan lalo pa at inaasahang tataas ang paggamit ng mga Pinoy sa mga e-commerce platforms sa pagbili ng mga a produkto at serbisyo sa darating na mga taon.
Binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangang hikayatin ang digital shift ng mga MSMEs upang makasabay sa lumalaking e-commerce market ng bansa na inaasahang aabot sa $15 bilyon sa 2025, ayon sa market data provider na Statista.
“There are so many opportunities in the e-commerce space and we need to give those with the entrepreneurial mindset the opportunity to participate,” dagdag ni Marcos.
Sinabi rin ni Marcos na ang modernisasyon ng PHLPost ay gagawin kasabay ng isang matatag na infrastructure program na susuporta sa local logistics sector.
Naniniwala rin ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer na magkakaroon ng pangangailangan para sa mga serbisyo ng PHLPost lalo’t mas gusto ng mga online shoppers ang mabilis na delivery ng kanilang mga inorder.
“Apart from increasing the capacity and capability of PHLPost, we will ensure that there is a corresponding infrastructure that would support the growth of our logistics sector. As demand for same-day deliveries for goods increases, we think that PHLPost can fill the gap in servicing outskirt areas,” dagdag pa ni Marcos.
Noon pa man ay nagpahiwatig na ang dating senador at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte na kanilang ipagpapatuloy ang Build, Build, Build program na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon pa sa dalawa, bahagi ng kanilang plataporma ang magpatupad ng isang matatag na programa sa pagpapaunlad ng digital na imprastraktura upang pasiglahin ang digital shift sa kalakalan at komersiyo, edukasyon, at pagsasaliksik sa agrikultura ng bansa.