Tinitingnan na ng Department of Agriculture ang posibilidad na ibaba pa sa 45 pesos ang kada kilo ng maximum suggested retail price ng imported na bigas.
Ito, ayon kay D.A. Spokesman, Assistant Secretary Arnel De Mesa, ay bunsod ng malaking pagbaba ng presyo sa international market.
Gayunman, nilinaw ni Asec. De Mesa na nagsasagawa pa sila ng re-computation sa gitna ng pagbaba sa 434 dollars ng 5% broken variety mula vietnam hanggang nitong Enero a – diyes mula sa dating 510 dollars noong Disyembre.
Bumaba rin anya ang imported rice mula thailand at india at inaasahang magpapatuloy hanggang katapusan ng enero, indikasyon na posibleng mas ibaba pa nila ang MSRP.
Una nang inanunsyo ng kagawaran na ipapako nito sa 58 pesos ang MSRP ng kada kilo ng imported rice sa Metro Manila simula Enero a – bente.