Unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi City.
Kasunod na rin ito nang pagbubukas muli ng operasyon ng MSU o Mindanao State University at ilang business establishments sa Marawi City.
Bagamat may bahagi pa rin nito ang tuluy-tuloy pa ang bakbakan ng militar at maute group.
Ayon sa mga otoridad, nagsimula nang maghanda ang mga professor at staff ng MSU para sa graduation dito matapos dumalo sa flag raising ceremony.
Ipinabatid din ng MSU management na pinaghahandaan na rin nila ang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan dahil naideklara na rin namang safe zone ang kinatatayuan ng nasabing unibersidad.
By Judith Estrada – Larino