Kapit-bisig ang school authorities, estudyante, magulang, private sector volunteers at maging ang mga sundalo at pulis sa tinaguriang Brigada Eskuwela.
Kaugnay ito sa pagbubukas sa Agosto 22 ng MSU o Mindanao State University sa Marawi na sasalubong sa 8,000 estudyante ngayong school year.
Ang pagbubukas ng msu ay sinasabing simbolo ng patuloy na buhay sa Marawi City.
Ang security force ng MSU ay sasanayin ng militar para mabantayang mabuti ang unibersidad.
Nagkalat naman sa loob at labas ng MSU ang mga otoridad para masagkaan ang posibleng pag-atake ng Maute terror group.