Muli na namang sumabog ang Mount Agung volcano sa Bali, Indonesia.
Ayon sa Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, umabot sa 2,500 metro ang taas ng abo at usok na ibinuga ng bulkan.
Napag-alamang umabot lamang ang abo sa hilaga at hilagang silangan bahagi ng bulkan kaya’t hindi naapektuhan ang operasyon ng Gusti Ngurah Rai International Airport.
Mula pa noong Nobyembre ay naging aktibo na ang Bulkang Agung dahilan upang itaas sa sampung kilometro ang danger zone sa paligid ng bulkan.
Sa ngayon ay ibinaba nang muli sa anim na kilometro ang danger zone sa kabila ng panibagong pagbunga ng abo ng bulkan.
—-