Muling binuksan sa mga trekker ang Mt. Apo, isang taon matapos sumiklab ang apoy sa tuktok ng naturang pinakamataas na buntok sa bansa.
Mahigit 100 ektarya ng gubat ang naapektuhan ng sunog kaya’t pansamantala itong ipinasara ng PAMB o Protected Area Management Board.
Sinasabing simula noong Huwebes, bukas na sa mga mountaineer ang New Israel Trail sa makilala, Mandarangan Trail sa Kidapawan City, Bongolanan Trail sa Magpet, Kapatagan Trail sa Digos City at Colan Trail sa Sta. Cruz, Davao Del Sur.
Ayon kay Luningning Dalayon, deputy superintendent ng Mt. Apo Natural Park, pumayag na ang mga lokal na pamahalaan sa paligid na parke na alisin na ang ipinalabas na closure order ng DENR Regional Office.
By Gilbert Perdez