Pansamantala munang isasara sa hikers simula ngayong araw na ito ang Mount Apo.
Ito ay para maiwasan ang pagsiklab ng forest fires sa Mount Apo dahil sa nararanasang El Niño tulad nuong 2016 kung kailan nasunog ang daan daang ektaryang bahagi nito.
March 28 nang mag isyu ng temporary closure order ang protected area management board sa Sta. Cruz, Davao del Sur trails na nakakasakop sa Sta. Cruz, bansalan at digos bagama’t March 7 ay isinara na ang North Cotabato trails ng Mount Apo.
Pinayuhan na ng mga otoridad ang mga nakapag plano na ng trips sa Mount Apo na kumuha ng refund o magpa reschedule na lamang.
Kabilang sa mga bawal gawin sa Mount Apo ang climbing, trekking, at camping at ang lalabag dito ay kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 9237 o Mount Apo Protected Area Act of 2003.