Muli na namang nag-alburuto ang bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.
Ito’y ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PHIVOLCS) ay makaraang magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan kahapon ng hapon.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 2,000 metro o katumbas ng dalawang kilometrong usok ang inilabas ng bulkan na tumagal ng 15 minuto.
Dahil dito, inaabisuhan ng PHIVOLCS ang mga piloto ng eroplano na iwasan munang dumaan malapit sa bulkan upang makaiwas sa makapal na usok na ibinubuga nito.
By Jaymark Dagala