Nananatili sa level 1 ang alerto sa bulkang Bulusan sa Sorsogon makaraang muling itong mag-alburuto kahapon ng tanghali.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nagbuga ng abo at bato ang bulkang Bulusan gayundin ang steam o usok na may taas na tatlo hanggang limandaang metro.
Kasunod nito, nagbabala si PHIVOLCS Director Renato Solidum na posibleng masundan pa ang mga nangyaring pagputok ng buklan kaya’t pinapayuhan din ang mga sasakyang panghimpapawid na lumayo muna sa Bulusan.
Sa kasalukuyan, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa 4-kilometer radius permanent danger zone.
Samantala, sinabi naman ni PHIVOLCS Region 5 Director Ed Laguerta, hindi naman aniya masyadong significant ang pagputok ng Bulusan na una nang nangyari noong Disyembre ng nakalipas na taon.
By Jaymark Dagala