Itinaas na ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert level one sa Mount Kanlaon sa Negros Oriental bunsod ng abnormal nitong kondisyon.
Ayon sa PHIVOLCS, aabot sa 244 na volcanic quakes ang naitala sa Mt. Kanlaon magmula noong Hunyo 24.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibilidad na magbuga o sumabog ang bulkan.
Maliban dito, pina-iiwas din ang sasakyang panghimpapawid na lumipad malapit sa Mt. Kanlaon.
By Ralph Obina