Inihayag ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanologist and Seismology na nakapagtala ito ng 13 pagyanig sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, may namataan din silang sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan sa average na labing dalawang tonelada kada araw.
Patuloy pang sinusukat ng GPS ang ground deformation ng bulkan na nagpapahiwatig na walang makabuluhang pagbabago batay sa tala noong nakalipas na taon.
Gayunman, nilinaw ng ahensya na hindi maobserbahan ang aktibidad ng pagsingaw ng Mt. Kanlaon dahil sa makapal na ulap na bumabalot sa tuktok ng bulkan na matatagpuan sa Negros Island Region.
Nakataas pa rin ang Alert Level One o ang pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone o PDZ.
By: Jelbert Perdez