Nananatiling nasa alert level 1 ang bulkang Kanlaon sa Negros.
Ipinabatid ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang naitalang apat na pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Dalawa sa mga pagyanig na ito ayon sa PHIVOLCS ay may kasamang ash eruption base na rin sa naranasan sa San Jose, La Castellana na nasa timog kanlurang bahago ng naturang bulkan.
Sinabi ng PHIVOLCS na nasa abnormal condition pa rin ang bulkang kanlaon kaya’t minomonitor nila ang galaw nito at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone.
By Judith Larino