Nakataas na ang alert level 3 sa bulkang Mayon bunsod ng pagbuga ng usok nito na nagdulot naman ng ash fall nitong weekend.
Mayon Volcano raising to Alert Level 3 pic.twitter.com/3RJMj8TZRR
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) January 14, 2018
Dahil dito, tinatayang aabot sa 13,000 mga residente sa mga bayan ng Camalig at Daraga, Albay na nasa 8 kilometer danger zone ang sapilitang inilikas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, may nakitang pamamaga sa bunganga ng bulkan na posibleng pag-usbong ng panibagong lava dome kaya’t inaasahan ang pagbuga nito ng magma.
Inaasahang tatagal ang pag-aalburuto ng bulkang Mayon ng ilang araw na posibleng umabot pa ng ilang linggo mula ngayon.
Magugunitang alas-5:00 pa ng hapon nitong Sabado nang magbuga ng abo ang bulkang Mayon na umabot sa tatlong kilometro ang taas na siyang dahilan para agad i-alerto ang mga residente sa paligid ng bulkan.
—-