Idineklara na bilang protected areas ang Mt. Pulag at apat pang lugar sa bansa.
Sa Republic Acts 11684, 11685, 11686, 11687 at 11688 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklara rin na bilang protected areas ang Mt. Arayat sa Pampanga, Naga-Kabasalan sa Zamboanga Sibugay, Tirad Pass sa Ilocos Sur at Banao sa Kalinga.
Dahil dito, dapat tumalima sa prinsipyo ng biological diversity at sustainable development ang pamunuan ng limang sites.
Noong Abril 28 isinapubliko ang batas at ipalalabas sa Official Gazette sa Mayo a-13.