Kinabitan na ng mga body cameras ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB.
Ang mga body cameras ay gagamiting pang-record ng mga videos at pangkuha ng mga litrato laban sa mga pasaway na motorista.
Sinabi ni Richard Espiritu ng MTPB Complaints and Action Department na ang naturang body camera ay may night-vision at pwedeng magamit sa kahit anong panahon.
Ayon sa mga MTPB traffic enforcer, kadalasan silang nababaliktad dahil wala silang maipakitang video o litrato bilang ebidensya ng tunay na nangyari.
By Race Perez