Lumagda sa isang kasunduan ang PNP at MTRCB kaugnay sa ipinalalabas na imahe ng mga pulis sa telebisyon at mga pelikula.
Sa Memorandum of Understanding na nilagdaan sa Kampo Crame nina PNP Chief Dir. Gen. Ronald “bato” Dela Rosa at M.T.R.C.B. Chairperson Rachel Arenas, magtutulungan ang dalawang ahensya sa pagbibigay ng seminar, materyales at konsultasyon upang maayos isalarawan ng maayos ang mga pulis sa telebisyon at pelikula.
Kabilang na rito ang tamang pagsusuot ng uniporme at ang pagsasalarawan sa masamang ugali ng isang pulis.
Samanatala, bago nito ay ipinagdiwang ng pambansang pulisya ang buwan ng kababaihan kung saan panauhing pandangal si Tourism Secretary Wanda teo.
Pinarangalan din ang siyam na babaeng pulis na nakatanggap ng Juana Bayaning Pulis Award dahil sa kanilang mga kahanga-hangang nagawa sa serbisyo.
By: Drew Nacino