Ipapatawag ng MTRCB o Movie And Television Review and Classification Board ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency at kampo ng Rapper na si Shanti Dope.
Kaugnay ito sa hirit ng PDEA na i-ban ang kantang Amatz ng rapper dahil sa umanoy hindi magandang mensahe nito sa mga kabataan.
Ayon sa MTRCB, layon ng pagpupulong na marinig ang magkabilang opinyon para matiyak na balanse ang magiging pagtugon sa usapin.
Sinabi pa ng MTRCB na kinikilala ng ahensya ang right to protection ng bwat bata laban sa hindi tamang impluwensya kasabay nito ay dapat ding ma proteksyonan ang kalayaan sa pamamahayag na parehong isinasaad sa saligang batas.
kaugnay nito, nagpahayag naman ng kahandaan ang pdea na tumugon sa pagpupulong para mapag usapan ang naturang isyu.