Maglilibot simula ngayong araw ang mga tauhan ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB sa mga istasyon ng bus.
Ito ay para alamin ang sitwasyon at tiyaking hindi nagpapalabas ng mga malalaswang pelikula ang mga bus habang bumibiyahe sa lalawigan ngayong Semana Santa.
Ayon kay MTRCB Chair Rachel Arenas, tanging mga palabas o pelikula lamang na may general at parental guidance classification ang maaaring ipalabas sa mga bus.
Tatagal ang inspeksyon at information drive ng MTRCB hanggang bukas, Miyerkoles Santo.
Ceres Transport, binigyan ng notice of violation ng MTRCB dahil sa pagpapalabas ng mga unrated materials o yung mga pelikulang kinuha mula sa internet pic.twitter.com/W8Y0uNQFiq
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 26, 2018
—-