Pinaalalahanan ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB ang mga magulang na “Rated PG” ang laban ni People’s Champ Manny Pacquiao kontra American Boxer Timothy Bradley sa Abril 9.
Ibig sabihin ng rated PG, nangangailangan ng patnubay at gabay ng magulang para sa mga batang manonood lalo na ng laban ni Pacquiao.
Kaugnay nito, lumagda si MTRCB Chairman Eugenio Villareal at ang Board of Directors ng ahensya sa isang memorandum of agreement kasama ang lokal na pamahalaan.
Ayon kay Villareal, ang naturang agreement ay bahagi ng kampanya ng MTRCB na maisulong ang responsible tv and movie viewing.
Ginawa aniya nila ang naturang hakbang matapos makatanggap ng report na pinapayagan ng mga magulang o ng nakatatanda ang mga bata na manood ng laban ng pambansang Kamao sa telebisyon.
By: Meann Tanbio