Ika nga nila, ang lahat ng sobra ay masama. Halimbawa na lang ang naging trend noon na mukbang o ang sobrang pagkonsumo ng pagkain na ginawa pang online content na maaaring magdala ng kapahamakan sa kalusugan. Ganyan ang sinapit ng isang lalaking content creator na nagkasakit at binawian ng buhay dahil sa kaniyang unhealthy eating habits.
Ang buong kwento, eto.
Oktubre nitong nakaraang taon nang mapagdesisyonan at inanunsyo ng 24-anyos na mukbang streamer na si Efecan Kultur na susubukan na niyang magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagda-diet at pagbabawas sa pagkonsumo ng maaalat na pagkain.
Si Kultur kasi, isa lang naman sa mga sikat na mukbang streamer sa Turkey at patunay niyan ang kaniyang videos na umani na ng million views at mayroon din siyang 156,000 Tiktok followers at 12,000 followers naman sa Instagram.
Bilang epekto ng paggawa ni Kultur ng mukbang videos, lumobo ang kaniyang katawan at nag-develop ng iba’t ibang komplikasyon sa kalusugan kabilang na ang heart disease.
Huling beses na nag-upload si Kultur ng mukbang videos noong oktubre kung kailan niya rin ipinaalam sa kaniyang followers ang plano niya na magbago na ng eating habits para makapagabawas siya ng timbang.
Na-diagnose rin ng sakit sa puso ang lalaki at una raw nakaranas ng hirap sa paghinga at nag-post pa nito lamang january habang nagpapagaling sa ospital.
Ngunit sa kasamaang palad, makalipas ang tatlong buwan na pagpapagaling at paglaban ni Kultur sa kaniyang mga sakit na may kinalaman sa obesity sa ospital ay binawian ito ng buhay.
Samantala, dahil sa pagkamatay ni Kultur ay muling nabuhay ang usapin tungkol sa mukbang at sa maaaring idulot nito sa pangangatawan ng isang tao lalo na at hindi healthy ang kalimitang makikitang pagkain sa mukbang videos at kapag nasobrahan, sa halip na mabusog ay nagiging peligro.
Ikaw, isa ka rin ba sa mga natakam sa mga mukbang videos sa social media?