Asahan na sa Martes ang ikalawang sunod na linggong tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga source sa oil industry, P1 at 0.10 hanggang P1 at 0.20 sentimos ang posibleng rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.
0.10 hanggang 0.20 sentimos naman ang maaaring tapyas sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.
Ipinaliwanag ng mga taga-industriya ng langis na ang paglakas ng piso kontra dolyar ang isa sa mga dahilan ng rollback.
Humupa rin ang presyo ng langis makaraang i-anunsyo ng Estados Unidos na ilalabas nila ang kanilang reserbang krudo sa international market.—mula sa panulat ni Drew Nacino