Isinusulong ng Philippine Chambers of Commerce and Industry o PCCI ang full re-opening ng ekonomiya.
Sa isang pahayag, sinabi ni PCCI Acting President Edgardo Lacson na hinihiling nila na buksan na ang ekonomiya kahit hindi pa nakakamit ng herd immunity dahil aniya maraming health expert ang nagsasabi na imposible naman na maka-achieve ito dahil sa virus mutation.
Binigyang diin naman ng pcci ang kahalagahan ng massive at tuloy-tuloy na pagbabakuna, contact tracing at COVID-19 testing.
Ani pa nila na ang kahit anong uri ng lockdown ay nakasisira ng anumang negosyo.—sa panulat ni Rex Espiritu