Tiniyak ni Senador Koko Pimentel na walang kinalaman sa muling pagtaas ng ratings ni Vice President Jejomar Binay ang pagbubukas muli ng imbestigasyon hinggil sa mga anomalyang kinasasangkutan nito.
Ayon kay Pimentel, Oktubre o Nobyembre pa ng nakaraang taon nang hilingin ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub Committee samantalang Disyembre naman nang umangat muli sa surveys si Binay.
Sinabi ni Pimentel na posibleng pagkatapos ng hearing ngayon ay makapagsumite na sila ng report sa kanilang mother committee para maisalang sa diskusyon ng Senado.
Sa kabila nito ng pagtatapos ng kanilang imbestigasyon, sinabi ni Pimentel na malaya pa rin ang kahit sino na makapagsumite ng mga karagdagang ebidensya na magpapatunay sa mga di umano’y anomalyang kinasasangkutan ni Binay.
“Kuha tayo ng mga signatures na members ng committee pagka sufficient ang signatures, ifa-file na natin sa plenary, unfortunately magbe-break for the campaign baka ang public discussion ng ating final report sa pag-resume na lang after the elections na.” Pahayag ni Pimentel.
By Len Aguirre | Ratsada Balita