Nasa P2B pondo ang muling nailabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan.
Ito’y matapos maaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kahapon sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Pangandaman, itoy para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan.
Ang naturang pondo ay magpapalakas sa DSWD’s Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) na nag-aalok ng tulong pinansyal para sa transportasyon, medikal, burial, pagkain at iba pang serbisyong suporta para sa mga pamilya o indibidwal.
Matatandaang noong Hunyo 30, ang programa ng AICS ay nakapagsilibi ng higit sa isa punto limang milyon, na lumampas sa 1.4M target nito.