Inihirit ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Quezon City Regional Trial Court na ipag-utos ang muling pagpapaaresto sa mga mag-asawang consultant at lider ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Sa isang manifestation at motion, binigyang diin ni Solicitor General Jose Calida na dapat nang kanselahin ang inilagak na piyansa ng mga Tiamzon matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista.
Samantala, agad namang umapela sa korte ang mga abogado ng mag-asawang Tiamzon na huwag munang maglabas ng resolusyon sa naturang mosyon ng gobyerno.
Matatandaang pinalaya ang mga Tiamzon noong August 2016 upang makalahok bilang NDFP consultants sa peace negotiations sa Oslo, Norway.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters