Pagbobotohan pa sa plenaryo kung ibabalik sa Committee Level ang Mamasapano report upang muling maimbestigahan.
Sa harap ito ng paglutang ng tinatawag na alternative truth sa Mamasapano incident kung saan MILF di umano ang nakapatay sa teroristang si Zulkipli Binhir alias Marwan.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kailangang mayroong maghain ng mosyon sa plenaryo upang maisalang ang botohan dahil ito ang naaayon sa panuntunan ng Senado.
“Sa aming rules ay yun po ay pagbobotohan ng buong senado kung ‘yun ba ay ibalik namin ang report for further investigation doon po sa komite ng Senadora Grace Poe.” Giit ni Drilon.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit