Ibinabala ng mga scientist ang muling pag-mutate ng UK variant ng coronavirus.
Nakita ng mga expert ang pagkakaroon ng panibagong genetic changes sa nasabing COVID-19 variant.
Sa mga isinagawang huling test, natuklasan ng scientists ang mutation na tinawag na E484K na nakita rin sa South Africa at Brazil variants ng COVID-19 virus.
Binigyang diin ng experts na bagamat posibleng makaapekto ang mutation sa pagiging mabisa ng bakuna, tatalab pa rin ang COVID-19 vaccines na ginagamit na sa ngayon.