Nanganganib maapektuhan ang suplay ng kuryente kapag tumagal ang suspensyon ng Semirara Mining and Power Corporation sa Semirara Island, Antique.
Sinasabing 40 porsyento ng coal na ginagamit na panggatong ng mga power plant sa Luzon at Visayas ay galing sa naturang minahan.
Dahil dito, umaapela ang pamilya Consunji na alisin na ang suspension order para makapag-operate na agad ang kumpanya, lalo na’t paubos na ang kanilang stockpile matapos tatlong linggo nang non-operational ang kumpanya.
Kapag maubos ang kanilang suplay, sinabi ni Semirara Mining President Victor Consunji na mapipilitan silang mag-angkat ng coal.
By Judith Larino