Ipatatawag ni Senate Blue Ribbon at Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon sa susunod na pagdinig ng senado si CIDG o Criminal Investigation and Detection Group Region 12 Director Superintendent Marvin Marcos.
Ito’y makaraang muling buksan ng senado ang pagdinig nito kaugnay sa ginawang pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., makaraang ibaba sa homicide mula sa murder ang kaso laban kay Marcos at sa labing walo pang kasamahan nito sa CIDG Region 8.
Ayon kay Gordon, hindi sila basta susuko sa laban na maibalik sa murder ang kaso laban sa grupo ni Marcos lalo’t nanindigan ang mga orihinal na nag-imbestiga sa kaso na planado ang ginawang pagpatay kay Espinosa.
PAKINGGAN: Tinig ni Senate Blue Ribbon at Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon
Kasunod nito, kumbinsido si Gordon na hindi si Marcos ang mastermind sa pagpatay kay Espinosa kaya’t pag-aaralan nila kung paani maibabalik sa murder ang kaso laban dito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senate Blue Ribbon at Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon
- Jaymark Dagala