Nakatutok na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagbabalik ng libu-libong motorista sa Metro Manila pagkatapos ng Undas.
Ito ang tiniyak ni LTO – National Capital Region West Director Roque Verzosa.
Inabisuhan na ni Versoza ang mga motorista na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko, lalo’t inaasahang marami ang magbabalik-trabaho at eskwela, simula ngayong araw.
Simula pa anya noong isang linggo ay puspusan ang trabaho ng LTO bilang bahagi ng Oplan Undas at Oplan Isnabero laban naman sa mga isnaberong tsuper. —sa panulat ni Jenn Patrolla