Tiniyak ni United Nations (UN) Special Rapporteur on Extra – Judicial Executions Agnes Callamard na walang halong politika ang kaniyang muling pagbisita sa Pilipinas.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Callamard na ang kaniyang pagbisita ay bilang paggalang sa mga biktima ng digmaan kontra iligal na droga, pang-aabuso sa batas gayundin sa due process.
Muli ring iginiit ni Callamard na hindi katanggap – tanggap ang mga kundisyong inilatag ng Malakanyang upang masilip ang mga kaso ng pagpatay sa naturang usapin.
Magugunitang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanga at baliw si Callamard dahil sa pagtanggi nito na harapin siya sa isang debate na isa sa mga inilatag na kondisyon ng Palasyo para payagan itong mag-imbestiga sa bansa.