Robredo nababahala sa pagbubukas muli ng mga karagdagang industriya.
Ikinababahala ni Vice President Leni Robredo ang pasiya ng pamahalaan na payagan na ang pagbubukas ng mga sinehan at amusment arcade sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.
Ayon kay Robredo, maituturing pang kontrobersiya ang naturang desisyon ng pamahalaan lalo na’t may mga Alkalde ang umaapela.
Dagdag ni Robredo may nabasa rin siyang ulat kung saan hindi nakonsulta ang mga Metro Manila Mayors sa pagpapalabas ng nabanggit na pasiya ng pamahalaan.
Sinabi ng pangalawang Pangulo, nakababahala rin aniya ang muling pagbubukas ng mga karagdagang industriya dahil wala ring malinaw na siyentipikong pag-aaral na pinagbatayan nito.
Una nang umapela sa pamahalaan ang mga alkalde ng Metro Manila na muling ikonsidera ang naging desisyon nito sa muling pagbubukas ng tradisyunal na sinehan sa mga lugar na sakop pa ng GCQ.