Iminumungkahi ng San Miguel Corporation (SMC) ang muling pagbubukas ng Loakan Airport sa Baguio City.
Ayon kay SMC President at COO Ramon Ang, magsusumite sila ng unsolicited proposal para sa rehabilitasyon nito.
Bukod pa dito ay nais din magtayo ng isang elevated highway sa siyudad.
Kinumpirma naman ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at tinawag na traffic reliever ang naturang highway matatandaang ang SMC din ang nakakuha ng kontrata para maitayo ang New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan.