Tuloy pa rin ang pagbabalik operasyon ng mga negosyo sa Tagaytay City.
Ito ang pinanindigan ni Cavite Representative Abraham ‘Bambol’ Tolentino kasunod ng utos ng Department of Interior and Local Governement (DILG) na panatilihing sarado muna ang mga business establishment habang nananatili pa ang Alert Level 4 sa bulkang Taal.
Ayon kay Tolentino, hindi nila ito susundin dahil maituturing lang aniya itong rekomendasyon ng DILG.
Aniya nasa alkalde pa rin ang desisyon sa mga ganitong klaseng bagay at ito umano ay batay sa Local Government Code R.A. 10121.
Giit pa ni Tolentino, inalis na rin aniya ng Phivolcs ang panganib na nakaamba sa Tagaytay City.