Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung bubuksan ang mga saradong establisyimento tulad ng salon at gym para sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay Trade Undersecretary Ireneo Vizmonte, kabilang din sa mga plano ang pagpapahintulot sa mga indoor at outdoor dine in sa mga kainan.
Layunin anya nito na maprotektahan ang mga unvaccinated at makabangon ang mga negosyong nalugmok sa pabago-bagong restriction.
Kung papayagan, maaaring mag-operate ang mga nasabing establisyimento kahit na Enhanced Community Quarantine o Modified Enhanced Community Quarantine.
Magpapasaklolo naman ang DTI sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maiwasan ang pamemeke ng vaccine cards.—sa panulat ni Drew Nacino