Ipinanawagan ng mga kababaihan sa Afghanistan ang muling pagbubukas ng paaralan sa kanilang bansa.
Sa ikinasang kilos-protesta, hiniling ng mga babaeng Afghan sa kanilang Ministry of Education ang muling pagbubukas ng secondary schools para sa mga kababaihan.
Giit nila, sakop ng kanilang karapatan ang makapag-aral at magkaroon ng sapat na kaalaman.
Matatandaang ipinasara ng grupong Taliban ang maraming mga paaralan sa Afghanistan matapos ang ginawa nitong pagsakop sa nasabing bansa. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles