Posibleng buksan na sa mga turista ang Baguio City sa Setyembre.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakadepende pa rin ito sa estado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa iba’t-ibang panig ng bansa lalo na sa Metro Manila na posibleng pagmulan ng mga bisita.
Sa ngayon aniya ay 80% na ng mga negosyo sa Baguio City ang nagbukas na subalit nasa 50% lamang ng kanilang kapasidad.
Kahit buksan natin katulad nung mga hotels, restaurants ay 50% pa rin ang capacity nyan pero kahit na 50% ang capcity talagang ang tao ay takot pa kaya talagang nahihirapan ang ating mga negosyo at negosyante na makabangon,” ani Magalong. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.