Pinag-aaralan na ng Japan na muli nang buksan para sa limitadong bilang ang kanilang turismo sa Marso, ang pagsisimula ng spring sa naturang bansa.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa Tokyo Olympics na naantala dahil sa pandemiya ngayong taon.
Batay sa ulat, pabor ang administrasyon ni Prime Minister Yoshihide Suga na payagan nang makapasok ng Japan ang maliit na grupo ng mga turista mula sa asiya kung saan kontrolado na ang kaso ng COVID-19.
Kabilang umano rito ang mga magmumula ng China at Taiwan.
Batay sa sinasabing plano ng pamahalaan, kinakailangang mag-negatibo muna sa COVID-19 test at magsusumite rin ng travel itinerary ang mga turistang magtutungo ng Japan.
Kinakailangan ding gumamit ng tracing app at magbibigay ng update sa kanilang kalusugan, araw-araw.