Muling binubuhay ng North Korea ang kanilang pangunahing nuclear site.
Ayon ito sa ipinalabas na ulat ng US Think Tank na Center for Strategic and International Studies, batay na rin nakuha nilang kopya ng satellite images noong nakaraang linggo.
Makikita anila sa mga imahe ang mga aktibidad sa Yongbyon nuclear site na sinasabing nagpo-proseso ng radioactive material para maging bomb fuel.
Kabilang dito ang pagkilos ng limang specialized na tren na nagpapahiwatig na may dinadala itong mga radioactive materials malapit sa pasilidad.
—-