Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na mas lalong mapalalakas ng Pamahalaan ang pagpapaigting sa internal security at kampaniya kontra krimen sa bansa.
Ito’y matapos paganahin muli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Secretariat for Joint Peace and Security Coordinating Council.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, welcome development sa kaniya ito lalo’t mahaba na ang pinagsamahan ang AFP at PNP sa pagpapanatili ng Kapayapaan gayundin ang paglaban sa iligal na droga.
Ngayong pumasok na aniya ang Philippine Coast Guard, kumpiyansa si Eleazar na mas lalakas pa ang pwersa ng Pamahalaan sa pagbabantay lalo na sa karagatan na siya ring ginagamit ng mga kriminal para makapagtago at makapagpuslit ng mga iligal na kontrabando.
Nitong Hulyo ay lumagda sa isang tripartite mechanism ang tatlong ahensya para mapalakas ang kanilang interoperability sa pagtugon sa mga panloob at panlabas na banta. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)