Iginiit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III na hindi dahil sa ‘pressure’ kung kaya tatalakayin na muli ng Senado ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan.
Paliwanag ni Sotto, hindi rason ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isang mabagal na kapulungan ang Senado kaya aaksyunan na nila at tutukan ang death penalty bill.
Giit ni Sotto, matagal na niyang hinihiling na magsagawa ng serye ng pagdinig ukol sa panukalang parusang kamatayan noong wala pang mga batikos si Alvarez.
Nauna rito, agad na ipinag-utos ni Senate President Koko Pimentel na magtakda ng “public hearing” sa death penalty bill matapos ang mga naging banat ni Alvarez sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
(Ulat ni Cely Bueno)