Iminungkahi sa pamahalaan ni infectious diseases expert dr. Rontgene solante na pag-aralan ang muling paggamit ng dengvaxia vaccines sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa kung saan, pumalo na sa 90% ang naitala sa unang bahagi ngayong taon kumpara noong 2021.
Ayon kay Solante, kasalukuyang suspendido sa bansa ang paggamit ng dengvaxia vaccines matapos ang ilang mga kontrobersiyang kinasangkutan nito.
Sinabi ni Solante na sa ibang mga bansa, tulad ng Singapore, Malaysia, Thailand, at Indonesia, patuloy ang paggamit ng dengvaxia dahil isa itong paraan upang maiwasan ang lumalalang kaso ng dengue, at bilang ng mga pasyenteng nao-ospital.
Iginiit pa ni solante, na dapat magkaroon ng panuntunan ang pamahalaan sa paggamit ng naturang bakuna kabilang na kung sino at anong edad maaaring makatanggap nito.