Halos singkuwenta pesos (P50) pa rin ang halaga ng dolyar sa pagbubukas ng trading ngayong araw.
Rumehistro sa P49. 80 ang halaga ng piso sa kada dolyar.
Samantala, ang isang Canadian dollar naman ay may halagang 37.02 pesos, ang Japanese yen naman ay katumbas ng 0.44 habang ang isang Australian dollar naman ay katumbas ng 37.03 pesos.
Ang isang Hong Kong dollar naman ay katumbas ng 6.38 pesos, ang isang Saudi riyal naman ay katumbas ng 13.25 pesos.
Samantala, ayon sa isang FOREX trader, kailangang tutukan ang corporate demand dahil lumakas muli ang dolyar hindi lamang kontra sa piso kundi maging sa isang currency.
Bumagal naman ang inflation sa buwang ito matapos maitala sa 3.2% ang consumer price index ngayong Mayo na mas mababa kumpara sa 3.4% noong nakalipas na buwan.
Sinabi pa ni Finance Undersecretary Gil Beltran na bumaba rin ang food inflation na nasa 3.8% ngayong buwan kumpara sa 4.2% noong Abril.
Binigyang diin ni Beltran na ang pagbagal ng inflation ay kasunod nang pagbaba ng presyo ng pagkain at patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Source: BSP